Entry: silipin ang kislap ng mga bituin Monday, March 27, 2006



wala akong pinagaalayan ng tulang ito.... nais ko lang ibahagi sa inyo. hehehe!! kahit na anung komento. kritik o anu pa man ay tatanggapin ko.

hindi ko rin alam kung anung mainam na pamagat para dito....

ako ay nagpupumiglas sa pagkakatali
sa mga alaalang pilit na ibinabaon sa lupa.
di masilayan ang liwanag ng araw
pagkat ang nakikita ng mga mata'y
anino lamang ng nakaraan.
labis na nasusugatan,
ang puso ko'y hirap nang tumibok
nais ko nang wakasan
ang buhay kong kay hirap pakisamahan.

sinisilip ko ang mga bituin,
pinapangarap na sana'y kayang abutin.
Ilaw na mula sa buwan
simbolo ng ating pag-iibigan.
liwanag na dulot nito
ang siyang yunayakap sa akin
at iyon na lamang ang tanging dahilan
ng pag-asang aking pinanghahawakan.

ngunit ngayong ika'y wala na,
maitim na ulap ang namumuo sa kalawakan.
unti-unting bumubuhos ang ulan,
binabalot ang pagkatao ko ng kadiliman.
labis kong dinadalangin
na ang kaliwanagan ay mahanap ko rin.
sana bukas sa pagsikat ng araw,
masikatan ang buhay kong madilim
kaya't ngayong gabi ay akin paring pipilitin
na silipin ang kislap ng mga bituin.

   4 comments

Chris
June 28, 2007   07:19 PM PDT
 
kulang lang pow ng tugma!
pro oki na yun
nao
April 28, 2006   06:35 AM PDT
 
mukang senti mode ka bunso a! musta jan :)
Pao
April 18, 2006   08:46 AM PDT
 
magaling! isang talentong dapat pa lalong pag-ibayuhin. ;)
basilisk
March 29, 2006   04:01 AM PST
 
hanep ah.. parang iyung exam nung elementary and high school.. give the best title of the story (sana tama ang natatandaan ko he he he) sige ang taytel eh SILIP he he he.. para may pagkaexotic ang dating ayus bah?

walang pinag-aalayan? alam mo masusi kong binasa ang bawat tayutay ng iyung tula at ang aking sapantaha at ayon na rin sa pagkakilala ko at sa nalalaman ko sa buhay ng may akda ang tulang ang aking nabasa ay inaalay ng may akda mismo sa kanyang sarili....kahit hindi mo man aminin iyan lumad he he he.. APIR...

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments