Entry: pagsasalaysay Tuesday, March 14, 2006



may mga bagay na mahirap talagang malimutan.... lalo na kapag todo kang nasaktan sa mga nangyari. buong buhay mong dadalhin ang mga sugat na nabuo sa iyong puso, buong buhay na maitatak sa iyong isipan, at buong buhay mong kailangang tanggapin ang mga pangyayari. para sa akin, ang mga pangyayari sa buhay ang siyang bumubuo ng buong pagkatao. masaklap man o masaya... kaya minsan, kahet na gaano mong gustuhin na kalimutan, hindi ka parin iiwanan ng mga alaala. sa buhay ko, maraming mga bagay na napakahirap tanggapin pero kinakailangan. mga bagay na nakakalungkot isipin at sa tuwing naiisip ko yun eh wala nang ibang takbuhan kundi ang sarili ko lang. pilit kong niyayakap ang sarili ko sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang mga bagay na ito, tahimik kong pinapatahan at pinupunasan ang mga mata kong luhaan. maaring may mga taong pwedeng gawin ito para sa kin pero minsan, kailangan mo rin harapin ng mag-isa. mahirap..sobrang hirap. nakakalungkot. nakakapikon. ngunit walang magagawa.. oo malungkot ako ngayon, ilang linggo na. pero sa kabila ng lahat eh nakakayanan ko paring tumawa at makipagsiyahan sa iba. may mga partikular na tao na tunay ako napapasaya sa kaunting ngiti na naiibibigay nila. at sa simpleng ngiti na iyon, dahan-dahan nagkakakulay ang araw ko. ngunit pagsapit ng gabi, unti-unti kong napapanaginipan ang panggit na nakaraan. at sa gitna ng dilim, tahimik kong pinapatahan ang aking sarili at hinihele upang makatulog muli. iisipin na lamang na kinabukasan isang panibagong araw nanaman sa aking buhay.. at sa bagong araw na iyon ay mas magiging maganda ang aking haharapin. sa ngayon, nais kong isipin na lahat ng ito ay may dahilan kung baket nangyayari. kahet na napakahirap, kinakailangan kong harapin ng lakas tapang at nang may mga ngiti sa aking labi. di magtatagal, makikita ko rin ang kislap sa aking mga mata. masisilayan ko rin ang liwanag ng araw.

   8 comments

Name09-o9-09
September 9, 2009   12:25 PM PDT
 
..don't bothered ur zelf bout the pazt..
..You MuZt LeArN ThAt In EvErY baD XpErIenCe U EnCounTerEd AlWaYz ThEr'S A LeZzOnSs..I'Am A PsYcHe sTuDnT..
Name
August 13, 2007   11:50 PM PDT
 
aw
yanyan
March 25, 2006   06:33 PM PST
 
hay naku... ayus lang naman.... medyo ok ok na ako. salamat sa inyo. eh ganun talaga ang buhay.... minsan mahirap talaga pakisamahan...
basilisk
March 23, 2006   09:16 PM PST
 
lumad baket naman ganun? nung nakaraang dalaw ko dito masaya na ako kasi sabi mo masaya ka.... tapos nung sumunod sabi mo konti na lang kasi nga may mga back stabbers na nanguguglo sau.. tapos ngayon huwaaaaaaaaaa baket naman ganun? tsk tsk tsk.. wag mong sabihing dahil pa rin kay JF iyan? haaaaaay kakalungkot naman... :(
basilisk
March 23, 2006   09:16 PM PST
 
lumad baket naman ganun? nung nakaraang dalaw ko dito masaya na ako kasi sabi mo masaya ka.... tapos nung sumunod sabi mo konti na lang kasi nga may mga back stabbers na nanguguglo sau.. tapos ngayon huwaaaaaaaaaa baket naman ganun? tsk tsk tsk.. wag mong sabihing dahil pa rin kay JF iyan? haaaaaay kakalungkot naman... :(
Pao
March 18, 2006   04:36 PM PST
 
yanyan, why so sad? don't brood so long on the things that make you cry. mas isipin mo yung mga nakapagpapasaya sa iyo. smile! :)
tambay
March 17, 2006   06:06 PM PST
 
oi! hapi wikend!!! drama mode ha ha ha.
nao
March 17, 2006   07:09 AM PST
 
kung ano man yang bumabagabag sa iyong damdamin sistah eh lilipas din yan.. smile naman dyan pls. Sige na ngiti pa. There. :)

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments