may mga bagay na mahirap talagang malimutan.... lalo na kapag todo kang nasaktan sa mga nangyari. buong buhay mong dadalhin ang mga sugat na nabuo sa iyong puso, buong buhay na maitatak sa iyong isipan, at buong buhay mong kailangang tanggapin ang mga pangyayari. para sa akin, ang mga pangyayari sa buhay ang siyang bumubuo ng buong pagkatao. masaklap man o masaya... kaya minsan, kahet na gaano mong gustuhin na kalimutan, hindi ka parin iiwanan ng mga alaala. sa buhay ko, maraming mga bagay na napakahirap tanggapin pero kinakailangan. mga bagay na nakakalungkot isipin at sa tuwing naiisip ko yun eh wala nang ibang takbuhan kundi ang sarili ko lang. pilit kong niyayakap ang sarili ko sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang mga bagay na ito, tahimik kong pinapatahan at pinupunasan ang mga mata kong luhaan. maaring may mga taong pwedeng gawin ito para sa kin pero minsan, kailangan mo rin harapin ng mag-isa. mahirap..sobrang hirap. nakakalungkot. nakakapikon. ngunit walang magagawa.. oo malungkot ako ngayon, ilang linggo na. pero sa kabila ng lahat eh nakakayanan ko paring tumawa at makipagsiyahan sa iba. may mga partikular na tao na tunay ako napapasaya sa kaunting ngiti na naiibibigay nila. at sa simpleng ngiti na iyon, dahan-dahan nagkakakulay ang araw ko. ngunit pagsapit ng gabi, unti-unti kong napapanaginipan ang panggit na nakaraan. at sa gitna ng dilim, tahimik kong pinapatahan ang aking sarili at hinihele upang makatulog muli. iisipin na lamang na kinabukasan isang panibagong araw nanaman sa aking buhay.. at sa bagong araw na iyon ay mas magiging maganda ang aking haharapin. sa ngayon, nais kong isipin na lahat ng ito ay may dahilan kung baket nangyayari. kahet na napakahirap, kinakailangan kong harapin ng lakas tapang at nang may mga ngiti sa aking labi. di magtatagal, makikita ko rin ang kislap sa aking mga mata. masisilayan ko rin ang liwanag ng araw.